Sorpresa Kay Inay!

Sorpresa Kay Inay!

Matagal tagal na rin akong nangangarap na sana isang araw sa kaarawan ng aking Nanay maiparanas ko ang siya ay masorpresa. Isang linggo bago ang mismong kaarawan ng aking ina humanap ako sa Facebook ng maaari kong makausap sa ninanais kong sorpresa at agad akong nag-inquire. Ang perang aking ibinayad sa lahat na para sa sorpresa sa aking ina ay ang una kong 13th month pay dito sa Pandayan. Napakasaya ko sa punto na ito dahil sa isa-isa ko nang naisasakatuparan ang aking mga pangarap para sa aking pamilya.
Dumating na ang tagpo at oras ng surpresa. Walang mapaglagyan ang aking kasiyahan. Noon ko lamang din nakitang umiyak ang aking ina dahil sa sobrang saya niya. Masaya akong napapasaya ko siya, hindi tulad dati na halos nagkakatampuhan pa kami sa tuwing hindi niya naibibigay ang nais kong bagay.
Nagpapasalamat po ako kay Boss JVC at Pandayan dahil sa pagbibigay ng makatwirang pasahod sa bawat kapwa at pa advance na 13th month pay ganoon din po sa SL/VL.